Get YouTube subscribers that watch and like your videos
Get Free YouTube Subscribers, Views and Likes

Paglipat ng P47.6B pondo ng DOH sa PS-DBM noong pandemic base sa public pronouncement ni FPRRD – Du

Follow
News5Everywhere

Isiniwalat ni dating Health secretary Francisco Duque III na nakabase sa pronouncement ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang paglipat ng P47.6 bilyon ng ahensya sa Procurement Service ng Department of Budget and Management #PSDBM para ipambili ng #COVID19 supplies noong 2020.

Sa budget briefing ng Department of Health #DOH sa House Committee on Appropriations, ipinaliwanag ni Duque na may basbas na umano ito ni Duterte bukod sa executive at administrative order.

Tinanong din sa pagdinig ang kawalan ng memorandum of agreement ng DOH at PSDBM. Ayon kay Duque, hindi ito kailangan dahil itinuring na commonly used ang COVID19 supplies gaya ng personal protective equipment.

“Hindi po kami nagMOA batay po sa PSDBM manual of procedures, hindi raw po sila from the very start requiring MOAs for the commonly used supplies and equipment,” ani Duque.

Matatandaang ipinagutos ni Ombudsman Samuel Martires ang paghahain ng graft charges laban kay Dque at dating budget undersecretary Christopher Lao noong Mayo. Kasalukuyan itong inaapela ng dating kalihim. #News5 | via Marianne Enriquez

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

  / news5everywhere  
  / news5ph  
  / news5everywhere  
  / news5everywhere  
https://www.news5.com.ph

posted by fervorse7